Ano nga ba ang tunay na lalake?

Sa totoo lang ang hirap sagutin… Pero napaisip ako…

Pag nabanggit ang salitang “LALAKI”… naiisip ko agad ung mga naging crush at mga nanligaw sakin…

1. Nung elementary ako may naging crush akong kapit bahay namin taga kabilang road.. sa road 8…  kase kamukha nya si Carlo Aquino… pareho sila ng laki ng mata… makinis at maputi ang kutis… para talagang artista… GWAPO!\

2. Nung lumipat kame ng bahay at naghighschool ako may naging crush ako at nanligaw sakin sa school na siga… kung baga maangas, kinakatakutan… actually BULLY sya sa school… Pero sakin malambing sya… hehehe…

3. Highschool lumipat ako ng ibang school may nanligaw sakin na magaling magbasketball.. ATLETA… Di naman sya macho pero matipuno sya kahit payatot… CUTE PARANG KOREANO tapos lagi akong hinihintay pagtapos ng klase… binibigyan nya ko ng cloud9 na chocolate at nakikipaglaro sakin ng patintero sa basketball court… yun lang pag sinasabunutan ko sya (kase nanggigigil ako sakanya..) mabilis malagas ang buhok nya… pambihira!

Napaisip ako kung bakit ko talaga nagustuhan ang mga lalaking ito…

1. Yung isa GWAPO- malamang attracted ako physically.. kahit di ko kilala… di ko nga sya nakilala or nakausap kahit isang beses eh…

2. Yung isa BULLY- siga pero malambing sakin… kahit nakikita ko na kawawa yung ibang studyante sakanya… nagustuhan ko parin sya…

3. Yung isa ATLETANG MUKHANG KOREANO na BINIBIGAY MGA GUSTO KO… at di nagrereklamo sakin kahit saktan ko sya…

Ito ba talaga ang gusto ko?

Pag “TUNAY NA LALAKE” ang pag uusapan ang maiisip ko yung makakatuluyan ko…

1. Lalaking kahit di gwapo, macho or mukang koreano basta marunong maligo…hahah! Joke…:)(Pero maganda kung malinis sa katawan at mabango ang hininga!)

2. Mamahalin, poprotektahan at bubuhayin ang pamilya namin sa lahat ng kanyang makakaya ng hindi nan’tatapak ng ibang tao…

3. Marunong magsorry at umamin ng kasalanan. Hindi gumagamit ng excuse para malusutan ang ginawang pagkakamali…

4. Lalaking magiging bestfriend ko… makukwentuhan ko at kukwentuhan ako hanggang umaga… kasama magsoundtrip… at magmovie marathon…

5. Lalaking di ako bobolahin.. Pagsasabihan ako pag pangit ang ugali ko or pangit ang damit ko…..ng….. dahan dahan… with sensitivity at politeness… hehehe..

6. Ok lang naman kahit di musician or kapareho ng ginagawa ko pero susuportahan ako sa aking passion…

                      7. Unang mahal si God kesa sakin… – Siguro may mga tataas ang kilay jan dahil dito… Pero gels isipin nyo nalang kung mahal nila si God diba? Edi… wala silang choice… di nila tayo mahihiwalayan!!! hahahahah! JOKE! Pero seriously… gusto natin yung ilelead tayo closer to God…

Kase si God talaga ang modelo ng TUNAY NA LALAKE…

MALINIS? he says-”I AM HOLY..” -1peter 1:16

MANGPOPROTEKTA?– He says “I AM YOUR STRONG TOWER, YOUR SHIELD,  YOUR FORTRESS, YOUR REFUGE.. YOUR WALL FIRE…” (Psalm 18:2, Zech 2:5, Psalm 28:7, Proverbs 18:10

MAGPOPROVIDE?– He says “I know what you need, and i will bless you..” (Matthew 6:8, Malachi 3:10)

MAGMAMAHAL?– he says “I LOVE YOU…” (John 3:16)

BESTFRIEND?– He says “I will always be here for you.. ” (Hebrews 13:5)

MARUNONG MAGSORRY?hmmm.. hindi nagsosorry si God.. KASE DI SYA NAGKAKAMALI!  hehehe… (Matthew 5:48)

and the list will go on! hindi ko kayang pagkasyahin si God sa pahinang ito… at alam kong marami pa akong malalaman tungkol Sakanya…:)Basta alam ko SI GOD ANG MAGPAPALALAKE SA MGA LALAKE…:)

Follow Yeng Constantino on Twitter:https://twitter.com/YengPLUGGEDin

PS: Remember to sign up for my monthly MANHOOD COACHING article. Just fill up the form on the right side bar of the website to receive our COACHING ARTICLES.

Read more:http://www.actlikeaman.org/yeng-constantino-ang-tunay-na-lalaki/#ixzz2iCJwnkVM

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s